^

Metro

Drug den sa Quiapo sinalakay: 6 timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang anim katao kabilang ang sinasabing operator ng isang drug den nang salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District-District Police Intelligence Operations Unit (MPD-DPIOU) sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Bukod sa  pakay na  ‘tulak’ ng iligal na droga na kinilala ng si Percival David, 47, Int. 32 Aguado St. Quiapo, nada­kip din sa operasyon sina Bunny Pineda, 48; Howard Coquinco, 28; Erick Bergoro, 26; Paul Jimenez, 25, at Jairus Pineda, 21.

Sinabi ng hepe ng DPIOU, sinalakay nila ang bahay sa 1245 Lincallo St., dakong  alas-10:15 ng umaga, kahapon at inabutan ang mga suspek sa loob nito na ang ilan ay naaktuhan pang nagsasagawa ng pot session.

Sinamsam mula sa mga suspek ang isang baril na Norinco 9MM na may 5 bala, isa pang replica ng baril, 5 sachet ng shabu, 3 gunting, 2 at drug paraphernalia.

Kasama din sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng District Intelligence Division (DID) at ilang team mula sa Special Weapons and Tactics (SWAT).

Naging saksi naman sa nasabing operasyon ang nakakasakop na si Brgy. Chairman Benjamin San Juan, ng Brgy. 389, Zone 40.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with