^

PM Sports

Kay Maliksi ang gabi

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagparada ang Star ng bagong reinforcement ngunit parang import ang inilaro ni Allein Maliksi para tulungan ang Star na kunin ang 96-88 panalo laban sa nagdedepensang Talk ‘N Text sa 2016 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinulungan ni Maliksi ang Hotshots na maka-bangon mula sa 18-point deficit sa second period nang umiskor ng 18 points tampok ang 3-of-3 shooting sa three-point line kontra sa depensa ng Tropang Texters.

Kumonekta si Maliksi ng isang triple sa huling 1:05 minuto ng fourth quarter para ibigay sa Star ang komportableng 92-87 abante laban sa Talk ‘N Text.

Tumapos si Ricardo Ratliffe, pansamantalang pumalit kay Denzel Bowles na may 23 points, 13 rebounds at 4 assists para sa kanyang debut game sa Hotshots.

Sa unang laro, matapos ang apat na sunod na kabiguan ay tinalo ng Blackwater ang Globalport sa unang pagkakataon.

Bumangon ang Elite buhat sa tatlong sunod na kamalasan nang patumbahin ang Batang Pier, 115-103 para sa kanilang ikatlong panalo sa anim na laro.

Nagbalik si veteran guard Mike Cortez mula sa isang injury para magposte ng 22 points at 7 assists at kumolekta si import MJ Rhett ng 30 points at 13 boards para sa unang panalo ng Blackwater laban sa Globalport sa kanilang franchise history matapos ang apat na sunod na kabiguan.

“We made it clear no single player will take charge,” sabi ni coach Leo Isaac. “I emphasized to let the offensive system work for the whole team.”

Natikman naman ng Batang Pier ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan para sa 2-4 baraha.

Mula sa 27-27 pagkakatabla sa first period ay kinuha ng Blackwater ang 20-point lead sa second quarter bago nakadikit ang Globalport sa 91-98 agwat sa final canto.

Isang 15-0 atake ang inilunsad ng Elite para tuluyan nang talunin ang Batang Pier.

Blackwater 115 - Rhett 30, Cortez 22, Dela Cruz 16, Cervantes 13, Lastimosa 12, Gamalinda 9, Reyes 7, Bulawan 2, Erram 2, Tiongson 2.

Globalport 103 - Warner 26, Romeo 17, Uyloan 15, Jensen 12, Taha 12, Kramer 8, Semerad 7, Mamaril 5, Washington 1, Fortuna 0, Maierhofer 0.

Quarterscores: 27-27; 62-51; 87-79;115-103.

Star 96 - Maliksi 29, Ratliffe 23, Yap 10, Melton 8, Barroca 6, Pascual J. 6, Pingris 6, Pascual R. 3, Simon 3, Reavis 2, Sanggalang 0, Taha 0.

Talk ‘N Text 88 - Castro 18, De Ocampo 15, Simon 12, Ababou 11, Tautuaa 11, Fonacier 6, Rosser 6, Williams 4, Reyes 3, Rosario 2, Aban 0.

Quarterscores: 13-26; 51-51; 66-73; 96-88.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with