^

Metro

Pahinante pisak sa truck

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang pahinan­te nang masagasaan ng kaniyang kasamang driver sa madilim na bahagi ng Ma­nila International Container Terminal (MICT) compound, sa  MICT Road, Parola, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang  biktimang si Gerald Jerusalem, 18, truck helper ng NIRCB Trucking Services at residen-te ng Gate 1, Area A, Parola, Tondo,

Sumuko naman ang suspek na driver na si Alfredo Manzo Jr., 32.

Sa ulat ni SPO1 Christopher David ng Manila Traffic District Enforcement Unit (MTDEU), dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Bago pa umano ang pang­yayari, nakita ng ilang saksi na nakikipaglaro ang biktima sa kaniyang mga kaibigan sa madilim na bahagi ng MICT Road.

Sinabi naman ng suspek na hindi niya naman nakita ang biktima, na mismong kaniyang pahinante sa truck at nalaman niya na lang na may nasagasaan na siya.

Nang alamin ay nakitang duguan ang ulo at bibig ng biktima na nakabulagta sa madilim na bahagi ng lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with