^

Bansa

Sigla ng sports sa Maynila, palalakasin ni Bagatsing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Higit pang palalakasin at paiigtingin ni Manila mayoralty candidate at 5th district Congressman Amado S. Bagatsing ang palakasan o sports sa lungsod ng Maynila sakaling palaring manalo bilang alkalde ng lungsod ngayong nalalapit na 2016 election.

Ito ang inihayag kamakalawa ni Bagatsing sa harap ng may halos 10,000 elementary at high school students, kasama ng kani-kanilang mga principals at guro mula sa mga pampubliko at parochial schools sa lungsod ng Maynila na dumalo sa unang araw ng taunang prestihiyosong palaro na inorganisa ng KABAKA Foundations, Inc., - ang KABAKA Sports Festival 2016 na ginawa sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ani Bagatsing, “Nakaka-inspire pagmasdan ang entusiyasmo ng ating mga kabataang Manilenyo na sadyang malapit sa aking puso. Ito ang ating mga ‘atleta ng bagong Maynila’. Sa pamamagitan ng larangan ng sports ay atin silang nailalayo sa mga negatibong gawain at bisyo, nabibiyayaan ng malusog at malakas na pangangatawan, matalas na pag-iisip at paninindigan bilang makabuluhang mamamayan sa hinaharap. Higit sa lahat ay katulad ng marami nang naging produkto ng ating KABAKA sports program,  nabibigyan natin ang kabataang Manilenyo ng oportunidad sa pag-angat ng kanilang estado sa buhay sa pamamagitan ng sports. Kaya naman tuluy-tuloy at higit pa nating pa­lalakasin at pag-iibayuhin ang ating mga sinimulang programa sa sports dito sa KABAKA kapag tayo ay nakaupo na bilang alkalde ng Maynila. Ngayong nga na hindi tayo Mayor ay may ganitong klase tayo ng programa para sa mga kabataan, what more kung tayo ay nasa Manila City Hall na,” nakangiting pahayag ni Bagatsing.

Sa datus ng ika-pitong edisyon ng KABAKA Sports Festival, may tig-40 teams mula sa mga larong basketball, volleyball, at chess ang maglalaban-laban kalahok ang mga atleta buhat sa elementary at high school ng mga pampubliko at parochial school sa lungsod.

ANG

ANI BAGATSING

BAGATSING

CONGRESSMAN AMADO S

CUNETA ASTRODOME

HIGIT

ITO

MANILA CITY HALL

MAYNILA

MGA

SPORTS FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with