^

Metro

Utos ni Gen. Marquez sa PNP-HPG intersection sa Edsa, tutukan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahilan sa inaasahang paglala pa ng daloy ng tra­piko ngayong ‘‘Christmas rush’’, ipinatatanggal ni PNP Chief P/Director Ge-neral Ricardo Marquez sa PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga naka­bara sa intersection sa kahabaan ng EDSA.

“ EDSA is EDSA, you will be seing the same volume of vehicle everyday, what we could do is to make sure that there are no intersections that are blocked”, ani Marquez.

Ang direktiba ay ibinaba ni Marquez kay PNP-HPG Director P/Chief Supt. Arnold Gunnacao.

“The wayward bus is blocking the rest of the pack and I think we were able to deliver the delive­rables aside from the six chokepoints our people
are everywhere already”, giit pa ng PNP Chief.

Aminado si Marquez na matindi talaga ang problema sa trapiko sa kalak­hang Maynila kung saan pangunahing tinututukan ng kanilang mga PNP-HPG traffic enforcers ang EDSA.

Sinabi ni Marquez na halos naipalabas na nila lahat ng personnel ng PNP-HPG para magmando ng trapiko.

Ayon sa PNP Chief sa kahabaan pa lamang ng EDSA ay mayroon na silang 120 HPG personnel na nagre-relyebo para maisaayos   ang daloy ng trapiko.

Samantalang ang se-condary routes ay minamando naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) constables.

Sa kasalukuyan, patuloy rin ang pagtutok sa anim na chokepoints sa kahabaan ng EDSA maliban pa sa Christmas lanes na dating Mabuhay lanes na patuloy pa ring siningitan ng mga pasaway na motoristang ilegal na pumaparada dito gayundin ang mga vendors.

Idinagdag pa ni Marquez na kailangan na talagang mag-isip ang gobyerno ng ibang paraan para masolusyunan ang problema sa trapiko dahilan dagdag na tulong lamang dito ang PNP-HPG.

Magugunita na noong Setyembre ng taong ito ay kinuha ng PNP-HPG sa MMDA constables ang kontrol sa pagmamando ng trapiko sa EDSA na kahit papaano ay malaki ang iniluwag kumpara sa da-ting sitwasyon ng matinding pagkakabuhol-buhol ng mga dumaraang sasakyan dito.

ACIRC

ANG

ARNOLD GUNNACAO

CHIEF P

CHIEF SUPT

DIRECTOR GE

DIRECTOR P

EDSA

HIGHWAY PATROL GROUP

MARQUEZ

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with