Shopaholic na parang wala nang bukas
Sino ba ang makatatanggi sa pagsa-shopping, pero may taong walang kontrol sa kanilang pagiging compulsive sa pagbili ng mga items na magustuhan.
Kapag nalulungkot o nadi-depress ang pamimili ang takbuhan pang-release nito ng tensiyon. Meron din gustong ipinangangalandakan ang mga pinamimiling items.
May bultuhan din kung humakot lalo na kung on sale, kahit hindi naman kailangan ang mga produkto. May ugali rin ang ibang indibidwal na ipinapalit ang nakuhang gamit pagkatapos bilhin.
Hindi mapakali at hindi titigil hanggang ‘di makuha ang kinokolektang item para mabuo ang kulay o isang set ng item. Higit sa lahat kung gumastos, akala mo ay wala nang bukas.
Hindi masamang gumastos, pero dapat naka-budget at kung kaya lang ng bulsa, kung hindi, huwag ay munang ipilit. Saka na lang kapag kasya na sa budget ang gustong item.
- Latest