Paano mapapabagal ang kulubot ng balat?
Hindi na mapipigilan ang pagtanda at lahat tayo ay du’n din papunta.
Pero meron pang paraan para mapabagal ang pagkulubot ng ating mga balat lalo na sa bandang mukha.
Unang tip: Ihiwalay ang pula ng itlog sa puti nito. Kunin lamang ang egg white (puti ng itlog) at saka maghalo ng isang pirasong calamansi.
Ibabad ito sa mukha ng 15-25 minuto at iwasan ang paglalagay sa malalapit na bahagi ng iyong mata.
Hugasan ito ng malamig na tubig. Gawin ito 3 beses sa isang linggo at makikita ang malaking pagbabago sa iyong mukha.
Pangalawang tip: Dalawang piraso na saging ang kakailanganin para makabuo ng face mask na ito. Durugin ang saging sa kaunting mainit na tubig hanggang sa makabuo ng malapot na mixture. Ilagay sa mukha at iba-bad ng 20 minuto at hugasan.
Tadaah!
Isang maaliwalas at mas batang mukha ang naghihintay sa iyo sa salamin.
- Latest