^

Punto Mo

EDITORYAL – Bilang ng krimen, pataas nang pataas

Pang-masa

ANG Philippine National Police (PNP) mismo ang nagsabi na tumaas ng 46 percent ang krimen sa bansa mula Enero hanggang Hunyo 2015. Malaki ito kumpara sa 37.3 percent na naitalang krimen noong 2014 sa kaparehong buwan. Mismong sa PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) nanggaling ang report.

Ayon sa DIDM, 885,450 krimen ang nangyari mula Enero hanggang Hunyo 2015 , kumpara sa 603,085 krimen noong 2014 sa kaparehong buwan. Pinakamataas ang murder na nakapagtala ng 7,245 kaso mula sa dating 5,004 kaso noong nakaraan taon. Tumaas din ang panggagahasa, 8,288 kaso mula sa dating 5,069 kaso noong nakaraang taon.

Pero kinontra ito mismo ng PNP, lumang datos daw ang inilabas ng DIDM. Sa katunayan, nabawasan pa nga raw  ng 60 percent ang mga nangyaya-ring krimen sa Metro Manila.

Ginawa ang report sa pagtaas ng krimen habang nasa masamang katayuan ang PNP dahil sa pagkakasangkot ni dating PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sa maraming kontrobersiya. Nagbitiw si Purisima makaraan ang Mamasapano massacre. Maaaring nasira ang direksiyon ng mga miyembro ng PNP dahil sa nangyari. Nangibabaw ang mga masasamang loob --- parati ang pagsalakay ng riding-in-tandem, carjacking, drug syndicate at panghoholdap.

Nakaaalarma ang pagtaas ng krimen at dapat magtrabaho nang triple ang mga pulis sa pamumuno ni PNP chief Director General Ricardo Marquez. Nararapat ipakita ni Marquez ang kahusayan para maputulan ng pangil at sungay ang mga kriminal. At magagawa ito kung magkakaroon ng police visibility, na mismong sa bibig din ni Marquez nanggaling. Pagpatrulyahin sa kalye ang mga pulis na nagpapalaki ng tiyan. Kung may mga pulis, magdadalawang-isip ang mga kriminal na mambiktima. Matatakot sila sa mga pulis. At ang resulta, bababa ang krimen.

ALAN PURISIMA

ANG

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

ENERO

HUNYO

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

KRIMEN

MARQUEZ

METRO MANILA

MGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with