^

PSN Palaro

Pacquiao iisnabin muna ang mga reporters sa gym

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Abril 15 na muling ma­kikipag-usap si Manny Pacquiao sa mga mamamahayag hinggil sa magi­ging laban nila ni Floyd Mayweather Jr.

Mula noong Sabado ay isinara na ang training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa mga mamamahayag para ituon na  ng Pambansang Kamao ang kanyang isipan sa mega-fight nila ni Mayweather sa Mayo 2 sa MGM Grand Are­na sa Las Vegas, Neva­da.

Mismong si ‘Pacman’ ay sang-ayon sa naturang aksyon na ito ng trainer na si Freddie Roach.

Aminado siyang dapat na nasa kanyang mental fo­cus sa pakikipagsukatan kontra sa walang talo at kasalukuyang ‘pound-for-pound king’ na si Mayweather.

“You have to focus without interruption after your activities of jogging, trai­ning. I don’t want to focus on anything other than bo­xing,” wika ni Pacquiao sa pana­yam ng The Times.

Hindi naman ibig sabihin nito na ayaw niyang na­­kakausap ng mga ma­­mamahayag bagkus ay kinilala niya ang kaha­lagahan ng mga ito para mai-promote nang husto ang kinasasabikang laban sa kapanahunang ito.

Ngunit humingi rin siya ng pang-unawa sa lahat sa desisyong itago ang kanyang pagsasanay sa mata ng iba.

“This is just the first time I’m asking for time to focus. There’s something I need to achieve in this camp especially mentally,” pa­liwanag ng Filipino world eight-division champion.

Itinataas na ni Roach ang paghahanda ni Pacquiao dahil apat na linggo na lamang ay magaganap na ang pagkikita ng dalawang tinitingalang boksi­ngero sa era na ito.

“Since the red carpet (March 11)  until now, we’ve done so much press – triple any other fight – he’s a little tired of it,” wika ni Roach sa 36-anyos na si Pacquiao.

Nasa sampung rounds na ang sparring rounds ni Pacquiao at sa mga su­sunod na salang nito ay itataas pa ito at ilalabas na rin ng batikang trainer ang sinasabing alas na dating kaalyado ni Mayweather na nasa kanilang kampo ngayon at siyang  magsisi­wa­lat sa kahinaan at kala­kasan ng walang talong ka­tunggali.

Ang Abril 15 ay naka­takdang media day para kay Pacquiao. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG ABRIL

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

GRAND ARE

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with