^

Para Malibang

Batugan ang asawa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Mrs. Kunsumido. Kunsumido ako sa batugan kong asawa. Limang taon na kaming kasal at may 2 anak. Noong una’y hindi naman siya ganyan. Kahit driver lang siya sa dating pinasukan niyang kumpanya, masipag siyang magtrabaho. Nagsimula ang pagiging tamad niya nang magkaroon kami ng negosyong buy and sell. Nakahiram ako ng puhunan sa aking kaibigan at ito ang aking pinalago hanggang sa sinubukan kong magpautang ng patubuan. Diyan ako sinu­werte at napagawa ko ang bahay namin. Pero nang medyo guminhawa na ang buhay namin, bigla siyang nag-resign sa trabaho. Ngayon ay kuntento na lang siya sa bahay at ayaw akong tulungan sa hanapbuhay namin. Kahit pagsabihan ko siya ng tamad, batugan, walang silbi, hindi siya tinatablan ng hiya. Iniisip ko tuloy na hiwalayan siya. Ano ang maipapayo ninyo sa akin?

Dear Mrs. Kunsumido,

Tamad man siya at walang silbi, asawa mo pa rin siya. Kung gusto mo siyang hiwalayan, kumonsulta ka sa abogado dahil posibleng ang pagiging tamad, lalo na kung ayaw na talagang maghanapbuhay ay isang ground for annulment. Pero bago ka magdesisyon, sikapin mo pa rin siyang kausapin at kumbinsihing magtrabaho o tumulong sa pagpapalago ng inyong negosyo para na rin sa kinabukasan ng inyong mga anak. Siya ang lalaki at obligasyon niya ang paghahanapbuhay. Gawin mong lahat ang paraan para mapreserba ang inyong pagsasama.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANO

DEAR VANEZZA

DIYAN

GAWIN

INIISIP

KAHIT

MRS. KUNSUMIDO

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with