^

PSN Showbiz

Gusto pa halos ipapatay, laos na sexy star ayaw tantanan sa paninira ang kagalang-galang na aktres

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napakaraming nang-uusisa kung bakit ma­tindi ang galit ng isang laos nang sexy star sa isang kagalang-galang na babaeng personalidad. Sukdulan ang galit niya sa aktres, kulang na lang na ipapatay pa niya ito, sagana sa upak sa kanya ang aktres na hindi naman pumapatol sa kanya.

Sabi ng mga kaibigan at kaanak ng respetadong aktres ay tama lang ang kanyang ginagawa, huwag na huwag nitong bibigyan ng panahon at atensiyon ang ginagawa sa kanya ng laos nang sexy star, dahil wala namang naniniwala sa mga upak sa kanya ng babaeng nagpabaya sa kanyang career kaya nawalan ng ningning.

Komento ng isang malapit sa kagalang-galang na aktres, “Patulan ba ang isang praning? E, siya na nga mismo ang sumusumpa sa anak niyang nanuntok daw sa kanya, di ba?

“Sa sobrang kapraningan ng La Ocean Deep na ‘yun, e, kung anu-anong kuwento na lang ang iniimbento niya. Malayo sa katotohanan ang mga hinahabi niyang kuwento. Nakakaawa naman siya dahil sa kanya magbu-boomerang ang lahat ng mga isyung iniimbento niya,” napapailing nitong sabi.

Nakapanghihinayang ang kinahinatnan ng karera ng dating sikat na sexy star, abot-langit na lang ang mga biyaya nu’n para sa kanya, pero mas pinili niyang magkawindang-windang ang kanyang buhay at karera.

Tunaw na ang lahat ng naipundar niya ngayon, nangungupahan na lang siya ng tirahan, nakalulungkot ang kuwentong pati taxi driver ay tinatakbuhan na niya sa kawalan ng pambayad.

Pera na ay naging bato pa. At walang dapat sisihin sa lahat-lahat ng kaganapan sa kanyang buhay kundi ang mismong may katawan. Punumpuno kasi ng poot ang kanyang puso, benggadora siya, kaya lumalayo ang grasya sa kanya.

Ubos!

At least hindi pa laos Piolo pinag-iinteresan pa rin dahil sa anak na si Iñigo

Hindi pa malamlam ang career ni Piolo Pascual. Umabante lang nang konti sa kanya ang iba niyang kakontemporaryo pero ramdam na ramdam pa rin ang presensiya ni Piolo.

Isa sa mga palatan­daan na interesado pa rin sa kanya ang publi­ko ay ang kuwentong pinag­pipistahan ngayon tungkol sa kanyang anak na si Iñigo.

Ang kuwento ay hindi raw naman anak ni Piolo ang bagets, anak daw ito ng isa niyang kapatid na babae, ipinaangkin lang daw sa kanya bilang anak si Iñigo.

Siguro ay isa kami sa puwedeng magpatunay na anak talaga ni Piolo si Iñigo kay Dona, isang kasamahan niya sa choir nu’ng mga bata pa sila, matagal na panahong hindi nagkita ang mag-ama.

Sumailalim sa paternity test sina Piolo at Iñigo, ang resulta ay positibo, mula nu’n ay naging regular na ang kanilang pagsasama hanggang sa pag-aralin na ng aktor ang kanyang anak sa Amerika.

Kalokohan ang naunang kuwentong anak daw si Iñigo ng isang kapatid ni Piolo, para ano pa’t dumaan sila sa paternity test, para lang lokohin ang kanilang mga sarili at ang publiko?

Kahit ayaw ni Piolo ay nasunod pa rin ang gusto ng kanyang anak, wala nang makapipigil pa ngayon kay Iñigo sa pag-aartista, nakaisang pelikula na ito at masusundan pa at nakatakda na ring gumawa ng album ang bagets.

‘Yun nga lang, kailangang pansamantalang pag­daanan ni Iñigo ang pagkukumpara sa kanilang mag-ama. ‘Yun ang karaniwang nangyayari kapag nag-aartista na rin ang anak ng isang sikat na artista.

vuukle comment

ANAK

IGO

KANYA

KANYANG

LA OCEAN DEEP

LANG

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with