^

PSN Palaro

Warriors hiniya ang Thunder sa balwarte Rondo sa Mavericks na

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, Calif.--Bu­mangon ang Golden State Warriors mula sa maagang 17-point deficit para balikan ang Oklahoma City, 114-109, tampok ang 34 points at 9 assists ni guard Stephen Curry.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 19 points para sa Warriors, muling naglaro nang wala sina injured center Andrew Bogut (right knee) at forward David Lee (left hamstring).

Hindi naman natapos ni Thunder star Kevin Du­rant ang laro matapos magka­roon ng sprained right ankle.

Naglista si Durant ng season-high 30 points mula sa 10-for-13 shooting sa first half bago niya natapakan ang paa ni Marreese Speights.

Sinabi ng Thunder na si Durant ay nagkaroon ng mild ankle sprain.

Natapos ang seven-game winning streak ng Oklahoma City dahil sa ka­nilang pagkatalo sa Gol­den State.

Nauna nang natapos ang 16-game winning ng run ng Warriors makaraang matalo sa Memphis Grizzlies noong Martes.

Samantala, dadalhin ng Boston Celtics si point gu­ard Rajon Rondo sa Dallas na magbibigay kay Dirk Nowitzki at sa Ma­vericks ng tsansa para sa korona.

Ibibigay ng Celtics sina Rondo at forward Dwight Powell sa Mave­ricks  kapalit nina Jameer Nelson, Jae Crowder, Brandan Wright, dalawang draft picks at isang $12.9 million trade exception.

“Welcome to Rajon Rondo the newest member of the Dallas Mavericks,” isinulat ni team owner Mark Cuban sa kanyang social media application Cyber Dust ilang sandali bago ang official announcement.

Pinasalamatan din ni Cuban ang tatlong dati niyang players at tinawag silang ‘’Amazing players and better people.’’

Nasikwat naman ng Bos­ton ang isang first-round pick para sa 2015 draft at isang second-rounder para sa 2016.

Ang Celtics ay mayroon nang walong first-round picks sa susunod na apat na taon mula sa mga trades kina Kevin Garnett at Paul Pierce at maging kay coach Doc Rivers.

Sa katauhan ni Rondo ay makukuha ng Mavericks ang isang pass-first point guard na isang four-time all-star para makatuwang nina Nowitzki, Monta Ellis, Chandler Parsons at Tyson Chandler.

May 19-8 record ang Dallas ngayong season ngu­nit nasa third place sa Southwest Division at pang-anim sa Western Conference.

Nagkampeon ang Ma­vericks noong 2011.  

ANDREW BOGUT

ANG CELTICS

BOSTON CELTICS

BRANDAN WRIGHT

CHANDLER PARSONS

CYBER DUST

OKLAHOMA CITY

RAJON RONDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with