^

Metro

Suspek sa kidnap-slay ng bokal, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos ang mahabang panahong pagtatago sa batas, nasakote ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) at Presidential Anti Crime Commission (PACC) ang pangunahing suspect sa pagdukot at pagpatay sa isang dating board member ng Albay sa isinagawang operasyon sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Iniharap ni PNP-AKG Director P/Sr. Supt. Renato Gumban ang nasakoteng suspect na si Martin Lico Jr., gumagamit ng mga alyas na Romeo Buluran, Bogar, Aldreen Daat, Sgt. Mutia, Romeo Hernani at Paul.

Bandang alas-8:45 ng gabi ng masakote ang suspect sa Gate 1 ng Rhonavile Townhomes, F. Santos Avenue, Las Piñas City.

Inaresto ang suspect sa bisa ng warrant of arrest  na inisyu ni Judge Marie Claire Victoria Mabutas-Sordan ng Regional Trial Court, Judicial Region, Branch 95 ng Antipolo City sa kasong kidnapping for ransom.

Sinabi ni Gumban na si Lico ang sangkot sa pagdukot sa mayamang negosyante at dati ring board member ng Albay na  si Jose Saribong at driver nito noong Enero 23, 2012 matapos harangin ang kanilang sasakyan sa Golden Meadows Avenue sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Samantala, Pebrero 2, 2013 naman ng madiskubre ang naagnas ng bangkay ng mga biktima sa Forest Hills, Cogeo, Antipolo City sa kabila ng umano’y pagbabayad ng P890,00 ransom ng pamilya ni Saribong sa mga kid­napper.  Ayon kay Gumban sangkot rin ang suspect sa tatlong kaso ng kidnapping for ransom sa Metro Manila.

Nabatid na ang suspect ay isang pugante sa Davao Prison and Penal Farm noong Peb­rero 5, 1994 sa kasong homicide at dati ring miyembro ng Alferez organized crime group, sub leader ng Ozamis robbery holdup and kidnap for ransom group na nag-ooperate sa Metro Manila , mga karatig lalawigan at maging sa Maguindanao.

Bukod dito, nahaharap din ang suspect sa kasong robbery na nakasampa sa Quezon City Police District kaugnay ng pagkakasangkot nito sa Jewelry shop robbery sa SM, North EDSA noong Disyembre 16, 2013 at bank robbery sa LandBank sa Timog Avenue, Quezon City noong 2008 gayundin sa IBank robbery sa Amorsolo, Makati City.

 

ALBAY

ALDREEN DAAT

ANTI KIDNAPPING GROUP

ANTIPOLO CITY

CITY

DAVAO PRISON AND PENAL FARM

LAS PI

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with