^

PSN Showbiz

KC inuna ang lola na isinugod sa hospital kesa makipagsosyalan sa Star Magic Ball

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi nakadalo si KC Concepcion sa Star Ma­gic Ball last Saturday dahil isinugod sa Emergency Room ng St. Luke’s Medical Center Global City sa Taguig ang lola niyang si Mommy Elaine, mom ng ina niyang si Sharon Cuneta. Gown na gawa ni Rajo Laurel sana ang isusuot ni KC sa Star Magic Ball, pero mas pinili nitong nasa tabi ng lola niya.

May mga nanghinayang na hindi nakadalo sa Star Magic Ball si KC dahil hindi sila nagkita ni Paulo Avelino, pero marami rin ang pumuri sa kanya na mas inuna ang pamilya. Ibinalita ni KC na naka-confine sa St. Luke’s ang lola niya.

Isang inaabangan ng fans ni KC ay kung sino kina Paulo at Coco Martin ang kanyang escort. Pero may isyu yata sila ni Paulo, kaya mas malamang na si Coco ang naging escort nito if ever.

Dahil sa fans/followers ni KC sa Instagram (IG), nalaman na­ming dinelete ni Paulo ang pictures niya (ni KC) sa IG ng aktor. May mga nagtampo kay Paulo sa kanyang ginawa, kaya si Coco na ang gusto nilang maka-love team ni KC.

Ka-level na si Dennis, Rocco malayo na ang narating

Nakataas na ang billboard ng Hiram na Alaala, ang bagong tele­serye ng GMA 7 sa corner ng EDSA at Timog na magsisimula sa September 22. Pictures ng apat na bida na sina Dennis Trillo, Rocco Nacino, Lauren Young, at Kris Bernal ang nasa billboard.

Sundalo serye ang itinatawag sa Hiram na Alaala dahil tungkol sa buhay ng mga sundalo ang story nito sa direction ni Dominic Zapata.

Ang layo na nang narating ni Rocco mula nang manalong Seond Prince ng StarStruck V. Ang dami nang magaganda at makabuluhang proyekto at kapag natatanong kung ano ang sikreto niya, ang Diyos, ang GMA 7, pamilya, at fans ang isinasagot. Idagdag na rin ang sobrang sipag ng aktor at hindi naringgang magreklamo kahit sobrang puyat at pagod.

Sa October 1, showing naman ang pelikulang Ibong Adarna na pinagbibidahan ni Rocco mula sa Gurion Entertainment. Sa direction ni Jun Urbano, ang daming magagandang lesson na ituturo sa moviegoers ang pelikula.

Collector’s item, hit songs ni Ogie may vinyl album!

Hindi pa sinasabi kung saan at kung kailan, pero tiniyak ni Ogie Alcasid na may repeat ang successful Throwback Thursday with Mr. A birthday concert niya noong August 28 sa Music Museum. Kahit ang mga nakapanood, gustong muling mapanood ang concert kung saan nag-enjoy nang husto ang mga tao.

Nabanggit ng manager ni Ogie na si Leo Dominguez na may initial meeting na sila para sa repeat ng concert, pero hindi pa ipinaalam kung kailan at kung saan ang venue.

Sa interview kay Ogie para sa katatapos niyang concert, ibinalitang magre-release ng vinyl album niya ang Poly East. Compilation ang album ng past hits ng singer-songwriter dahil ang title ay Ogie Alcasid All the Classics.

May autograph signing si Ogie para sa mga bibili ng album sa October 4, 3-5 p.m. sa 2nd floor ng Dubshop Bldg., 91 Timog Avenue, Quezon City.

Young actress na tumalo kina Nora at Vilma, Kapuso na!

Ang mahusay na young actress na si Teri Malvar ang bagong talent ng GMA Artist Center. Pumirma ito at ang manager niyang si Ferdy Lapuz ng co-management contract sa GMAAC at sana mabigyan ng projects na hahasa pa sa husay niya.

Kilala si Teri as the young actress na tumalo kina Vilma Santos at Nora Aunor na best actress sa Urian para sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita. Ginawa nito ang Tumbang Preso (In the Can) na showing sa October 8. Nasa cast din siya ng Bitukang Manok ng Cinema One Originals.

Unang napanood si Teri sa Rhodora X, guest lang siya.

 

ALAALA

ANG HULING CHA-CHA

ARTIST CENTER

BITUKANG MANOK

OGIE

PAULO

ROCCO

ST. LUKE

STAR MAGIC BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with