^

Probinsiya

Lider ng NPA, 6 pa utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pitong rebeldeng New People’s Army kabilang na ang lider ng grupo ang napaslang makaraang makasagupa ng tropa ng Phi­lippine Army sa liblib na bahagi ng Barangay Guinguinabang, bayan ng Lacub, Abra kahapon ng umaga.

Kinilala ni Major Emmanuel Garcia, chief ng 1st Civil Military Operations Group ng AFP-Northern Luzon Command ang napatay na lider ng NPA na si Arnold “Ka Mando”Jaramillo, secretary ng Abra Political Committee.

Sa pahayag ni Major Calixto Cadano Jr., spokesman ng Army’s 5th Infantry Division  na rumesponde ang mga sundalo matapos makatanggap ng impormasyon na nangha-harass ang mga armadong rebelde na nangongotong ng mga alagang hayop at pera sa mga residente.

Kaagad na sumiklab ang madugong bakbak sa pagitan ng mga tropa ng Army’s 41st Infantry Battalion at ng mga rebelde kung saan tumagal ng 20-minuto.

Mabilis na nagsitakas ang mga rebelde na inabandona ang bangkay ng limang NPA kabilang na ang kanilang pinuno.

Wala namang nasu­gatan sa panig ng tropa ng mga sundalo habang nakarekober ng sampung matataas na kalibre ng armas na gamit ng mga  rebeldeng nakasagupa ng militar.

Pinaniniwalaang marami ang sugatan sa mga nagsitakas na rebelde base sa mga patak ng dugo na nakita sa encounter site na dinaanan ng NPA sa pagtakas.

 

ABRA POLITICAL COMMITTEE

BARANGAY GUINGUINABANG

CIVIL MILITARY OPERATIONS GROUP

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KA MANDO

MAJOR CALIXTO CADANO JR.

MAJOR EMMANUEL GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with