^

PM Sports

Mainit na labanan ng Army at PLDT

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisimulan ng No.1 Philippine Army at No. 2 PLDT Home Telpad ang kani-kanilang best-of-three semifinals series sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Lalabanan ng Lady Troopers ang No. 4 Philippine Air Force Air Spikers ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagharap ng Turbo Boosters sa No. 3 Cagayan Valley Rising Suns, ang nagdedepensa sa korona, sa alas-4 sa Game One ng Final Four.

Hangad ng Army na maduplika ang kanilang pagrereyna sa Season 8 sa kanilang semifinals showdown ng Air Force, winalis ang UAAP champions na Ateneo De Manila University sa kanilang playoff noong Martes para makamit ang No. 4 seat sa Final Four.

May 1-1 record sa isa’t isa ang Lady Troopers at ang Air Spikers sa kanilang paghaharap sa elimination at quarterfinal round.

Muling ipaparada ng Army ang mga dating MVP na sina Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Nerissa Bautista at Mary Jean Balse, pawang mga top 10 sco-rers ng mid-season tournament na itinataguyod ng Shakey’s.

Aasahan naman ng Air Force sina top hitter Maika Ortiz, Judy Caballejo at Mary Ann Pantino.

Itatampok muli ng Air Spikers ang kanilang husay sa blocks kung saan sila pumapangalawa sa nasibak nang National University Lady Bulldogs.

Sa ikalawang laro, susubukan ng Turbo Boosters na muling dominahin ang Rising Suns na kanilang tinalo ng dalawang beses sa torneong suportado ng Mikasa at Accel.

Inaasahan namang sasakyan ng Cagayan ang kanilang panalo laban sa Air Force sa kanilang hu-ling laro sa quarterfinals na nagpasok sa kanila sa Final Four. (RC)

vuukle comment

AIR

AIR FORCE

AIR SPIKERS

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

FINAL FOUR

GAME ONE

KANILANG

LADY TROOPERS

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with