^

Metro

Taguig police, nagdagdag ng puwersa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang maibsan ang krimen, nagtalaga ng karagdagang bilang ng pulis ang lungsod ng Taguig.

Malugod namang ti­nanggap ng pamahalaang lungsod ng Taguig City at Taguig City Police ang may 97 karagdagang pulis.

Nabatid na ang mga bagong dating na pulis ay ide-deploy sa 28 barangays at upang mapabuti aniya ang police visibility na ipatutupad dito.

Layunin nito  ay upang maibsan ang nagaganap na mga krimen sa natu­rang lungsod.

Sinabi ni Senior Supe­rintendent Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, ang mga karagdagang pulis ay  makabubuti para sa mababang police-population ratio sa lungsod at  sa kasalukuyan ay may isang pulis sa 2,700 katao.

Ang nararapat na ratio ay isang pulis sa bawat 500 katao.

Ayon kay Asis, alam aniya nila na  may  problema sa kakulangan ng pulis sa naturang lungsod, gayunman tinitiyak nito  na mararamdaman ng mga ma­mamayan na sila ay ligtas.

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

ASIS

AYON

LAYUNIN

MALUGOD

PULIS

SENIOR SUPE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with