^

PSN Opinyon

Bye-bye ‘pork’

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI ni House Speaker Sonny Belmonte, burado na sa susunod na national budget para sa taong 2015 ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ibig sabihin, wala nang ilalaang milyones na pondo para sa disposisyon ng mga mambabatas. Walang choice kundi burahin ang itinatakdang pondong ito sa pambansang budget dahil  idineklara na ng Korte Suprema ito’y labag sa batas o unconstitutional. Kung ipipilit, ito’y tahasang paglabag sa batas.

Samakatuwid pala’y matagal nang lumalabag sa batas ang dalawang kapulungan ng ating Kongreso. Sa totoo lang, maliit pa akong bata at ang Presidente ay si Diosdado Macapagal ay naririnig ko na ang “pork barrel” na iyan. Hindi ko lang maintindihan kung ano ito.

Pero sa loob ng maraming dekada, ganyan na ang naging kalakaran. Ang maliliit na taumbayan ay labis na  nakasandal sa kani-kanilang mga Representante sa Kamara para sa pangangailangang medical, tuition fee sa mga anak, pagpapalibing sa mga yumao at kung anu-ano pa. Kaya kapag isa kang mambabatas, uma-umaga ay di ka magkandaugaga sa haba ng pila ng mga humihingi ng tulong sa harap ng iyong tahanan. Pero ego-booster iyan sa mga mambabatas. Feeling bida sila eh.

Ngunit hindi gawain iyan ng mambabatas. May mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na dapat magbigay ng ganyang ayuda sa mamamayan. Ang tanging tungkulin lamang ng mga Kongresista at Senador ay gumawa ng batas. Period.

Tiniyak ni Speaker Belmonte na hindi na maibabalik sa 2015 national budget  ang kontrobersyal na PDAF. Sana nga, sana nga. Ani Belmonte, hangga’t maaari ay iiwasan na ang pagsi­singit sa 2015 budget ng lump sum na pondo sa ibat ibang ahensiya na pang tugon sa pangangailangan ng kanilang constituents.

Naniniwala rin si Belmonte na sapat pa ang kanilang panahon para paghandaan ang paglalatag ng proyekto ng bawat kongresista na ipapaloob sa budget para sa susunod na taon.

Sa ilalim ng 2014 budget, tinaggal na ang isang linya ng lump sum ng pork barrel matapos umalma ang ibat ibang sektor at bumigay ang Mala­kanyang sa pressure ng publiko.

Gayunman, ang lump sum na ito ay hinati-hati lamang at inilipat sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Commission on Higher Education, Department of Education, Department of Social Welfare and Development at Department of Health.

vuukle comment

ANI BELMONTE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DIOSDADO MACAPAGAL

HIGHER EDUCATION

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with