^

Bansa

3-man team vs VIP treatment sa Bilibid

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng 3-man team na magsisiyasat sa mga nagaganap na anomalya sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos ang kontrobersiyal na pagpapagamot sa mga private hospital ng mga high profile convicts.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, partikular na tututukan ng panel ang laganap na pagbibigay ng special o VIP treatment sa mga high profile inmate sa Bilibid at mga opisyal na kasabwat ng mga convicts.

Aalamin din ng 3-man team ang pagkakaroon ng umano’y talamak na operasyon ng bawal na droga sa bilibid, kubol system at maraming iba pa.

Kamakalawa ay sinibak na ni de Lima ang dalawang doctor at head guard ng NBP dahil sa pagpapahintulot na makalabas ng NBP si Ricardo Camata na convicted drug lord at makapagpaospital sa Tondo kung saan siya ay dinalaw ng starlet na si Krista Miller at dalawa pang babae.

Nabunyag din na da­lawa pang high-profile inmates na sina Amin Buratong, convicted druglord at Herbert Colangco, pinuno umano ng isang robbery gang, ang nabigyan ng emergency referral para makapagpagamot sa mga pribadong ospital sa labas ng NBP.

Dagdag ni de Lima, mahigpit ang kautusan ng DOJ na kailangan na humingi ng permiso sa Kawanihan bago payagan na makalabas ng NBP ang sinumang convict na nais na magpagamot sa ibang ospital.

AALAMIN

AMIN BURATONG

DEPARTMENT OF JUSTICE

HERBERT COLANGCO

JUSTICE SECRETARY LEILA

KRISTA MILLER

NEW BILIBID PRISONS

RICARDO CAMATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with