Paalam, Anthony
Pumanaw na at naihatid sa kanyang huling hanÂtungan si Anthony Villanueva, ang Pinoy boxer na nanalo ng silver medal sa 1964 Tokyo Olympics.
Isa siyang bayani.
Pero sa kanyang mga huling sandali, hindi naÂraÂnasan ni Anthony ang uri ng trato na nararapat sa kanya. Hirap siya sa buhay at halos wala nang maÂlapitan.
Kumalat ang balita ng sitwasyon ni Anthony ilang araw lang bago siya namatay. Maraming gustong tumulong pero nahuli na sila.
Maganda man ang intensyon, too late the hero.
Ilang beses sinubukan ni Anthony na ibenta ang kanyang Olympic medal para lang makaluwag sa buhay. Pero wala rin nangyari rito.
Nauwi ang medalya sa museum ng Philippine Sports Commission.
Kung ako ang PSC, ibebenta ko ang medalya sa sino mang may gustong mag-ari nito para mapunta ang pera sa mga naiwan ni Anthony.
Puwede rin ito ipailalim sa isang auction.
Kung isang milyon lang ay may bibili nito dahil sa buong history ng sports sa ating bansa ay dadalawa pa lang ang silver medal natin sa Olymics. Ang isa ay kay Onyok Velasco.
Maliban sa kanyang maliit na pamilya sa Cabuyao, Laguna ay halos wala nang nakaalam sa mga huling kaganapan sa kanyang buhay.
Malayo kung ikukumpara sa taon na nanalo siya ng silver medal sa Olympics.
Umuwi siyang isang bayani dahil sa mata ng nakararami ay nadaya siya sa finals kung saan hinarap niya ang isang boksingero mula sa Russia.
Nagsubok maging professional boxer si Anthony. Nagsubok din maging artista. At nang hindi nag-click, tumira siya ng matagal sa America. Naging security guard siya sa Philippine Consulate sa New York.
Sad story ang buhay ni Anthony.
Isang bayani na nakalimutan ng tadhana.
- Latest