Halimuyak ni Aya (480)
“PAANO mo sinabi kay Abdullah ang lahat, Numer?†tanong ni Imelda na excited sa bagong balita.
“Bago ko kinausap si Abdullah sa opisina niya sa Batha ay pinag-isipan ko muna ang lahat nang sasabihin ukol kay Cristy. Gusto ko masiyahan siya sa ginawa kong pagha-hanap kay Cristy. Sabi ko, si Cristy ay matagal nang patay. Nang sabihin ko iyon ay nalungkot si Abdullah. Parang may luhang nangilid sa mga mata. Itinanong niya kung ano ang ikinamatay ni Cristy. Sinabi kong namatay sa panganganak.
“Nang marinig niya iyon, biglang may kumislap sa kanyang isip. Kung namatay sa panganganak, nasaan ang sanggol na ipinanganak? Iyon ang nakita ko sa ekspresyon ng kanyang mukha. At nang sagutin ko siya tungkol sa sanggol na isinilang ni Cristy, biglang nagliwanag ang kanyang mukha. Nagkaroon ng ningning ang kanyang mga mata. Sabi ko, isang sanggol na lalaki ang isinilang ni Cristy. At nang sabihin ko ‘yun, lalo nang nabalot ng tuwa at hindi maipaliwanag na kasiyahan si Abdullah.
“Sabi ko isang malusog na sanggol ang isinilang ni Cristy at ngayon ang sanggol na iyon ay isa nang sikat na doctor. Ang sanggol na iyon ang kanyang anak. Sabi ko kay Abdullah, kamukhang-kamukha niya ang kanyang anak. Lahat nang feature niya, nakuha ng kanyang anak.
“Hindi makapagsalita si Abdullah. Nakamaang lamang siya. Nakatingin sa akin na hindi malaman kung ano ang sasabihin. Hindi talaga siya makapaniwala na ang kanyang anak kay Cristy ay isa nang matagum-pay na doctor.
“At nang magsalita si Abdullah, natuwa ako sapagkat ang tinanong niya ay kung ano raw ang pangalan ng kanyang anak. Sabi ko ay Sam. Doc Sam ang tawag sa kanya nga-yon. Isa siyang mahusay na cardiologist. Topnotcher sa Medicine Board Exam.
“Tanong pa ni Abdullah kung meron na raw pamilya ang kanyang anak. Sabi ko’y meron na. Maayos ang buhay ng kanyang anak. Mabait ang naging asawa at maligaya sa buhay.
“Lalo pang natuwa si Abdullah nang ilabas ko ang picture ni Sam. Di ba meron kang binigay sa akin na picture ni Sam noong magtapos siya ng Medicine. Itinago ko iyon. At alam mo, habang pinagmamasdan ni Abdullah ang photo ni Sam, tala-gang may dalawang luha na gumulong sa pisngi niya. Hindi ko akalain na pati pala mga Saudi ay mababaw ang luha. Matagal niyang pinagmasdan ang photo ni Sam. Sabi ko, sa kanya na iyon. Tuwang-tuwa siya.
“At nang itanong ko kung may balak siyang makipagkita kay Doc Sam. Meron daw. Aayusin lamang daw niya ang mga kailangan sa pagbibiyahe. Gusto raw niya ay kasama ako sa pagpunta rito. Kaya tulungan ko raw siya kung ano ang gagawin sa pagtungo sa Manila para makita ang kanyang anak. Huwag daw akong mag-worry sa finances at siya ang bahala roon…â€
(Itutuloy)
- Latest