De Lima: Wala nang dahilan para patahimikin si Napoles
MANILA, Philippines — May mensahe si Justice Secretary de Lima sa mga nagtatangka sa buhay ng itinuturong nasa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Sinabi ng kalihim na naisiwalat na ni Napoles ang mga nalalaman sa pang-aabuso sa Priority Development Assistance Fund.
"To those who want to do harm to her, the statement is already there. You have no motivation to silence her anymore," wika ni De Lima sa isang pulong balitaan ngayong Martes.
Kaugnay na balita: Napoles, state witness?
Inamin ng negosyante sa Justice secretary na marami nang banta sa kanyang buhay dahil sa kanyang mga nalalaman sa pork barrel scam kaya naman minabuti niyang isiwalat na ang mga ito.
"She realizes, the more she remains silent and does not say anything, the more she remains at risk," sabi ni De Lima.
“Ngayon pa lang may sinabi siya na alleged security threats: sa cellphone, sa mga tawag, sa mga pamilya niya."
Kaugnay na balita: Enrile, Revilla, Estrada dawit sa affidavit ni Napoles
Samantala, sinabi ni De Lima nakadepende sa Office of the Ombudsman kung gagawing state witness si Napoles tulad ng gustong mangyari ng negosyante.
Naging tikom din ang kalihim sa mga detalyeng isiniwalat ni Napoles maliban sa iba tulad nang pagkakasangkot nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
"Pending the completion of our validation of her claims, of her statements, wala ho muna kaming idi-disclose kahit ano'ng detalye." she said.
- Latest