^

Bansa

Turismo sa Albay lumago ng 66% - DOT

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY , Philippines   â€“ Tourism powerhouse na ang Albay matapos umakit ng 800,000 mga turista ang magagandang destinasyon at kampanya nito at lumago ng 66 porsiyen­to ang turismo ng lalawigan nitong nakaraang 2013. 

Ipinahayag ang mga ito ni Tourism Assistant Secretary Benito Bengzon nang maging guest speaker siya sa pagbubukas ng Daragang Magayon Festival 2014 dito. Siya ang humahawak sa international promotion ng Department of Tourism (DOT). 

Sa kanyang talum­pati, sinabi ni Bengzon na nangu­nguna na ang Albay sa turismo ng bansa dahil bukod sa mga kaakit-akit na destinasyon nito, meron na ito ito diretsong ugnayan sa international tourism market, may sariling tatak na ang turismo nito, at may mabisang liderato ang lalawigan.

Ang Daragang Magayon Festival, ayon kay Bengzon, ay isa sa pinaka­popular na pista sa bansa na umaakit ng marami­ng bisita at “ito ay dahil sa mabisang pamumuno ni Gov. Joey Salceda na napagsasama-sama ang lahat ng sector at stakeholders tungo sa isang magandang layunin at direk­siyon.”

Apat na dahilan ang binanggit ni Bengzon kung bakit naging matagumpay ang turismo ng Albay: kaaki-akit ang mga mapapasyalan dito; nakagawa na ito ng sariling “tourism brand”  na umaakit sa imahinasyon ng mga dayu­hang  turista; may diret­song ugnayan na ito sa international tourism market; at mabisang liderato na napagiisa ang interes ng lahat ng stakeholders tungo sa isang adhikain at layunanin.

Kakakailan lamang ay dalawang direct chartered flights mula sa China ang naghakot ng daan-daang turista dito. Inaasahang babaha ang mga banyagang turista dito  at sa buo­ng Bicol kapag natapos at nabuksan na ang Southern Luzon International Airport sa Daraga, Albay sa 2016.

Ika-14 taon na ngayon ng Daragang Magayon Festival. Isa na ito sa ilang pinakapopular na pista sa bansa na malaki ang naiaam­bag sa pagsulong ng turismo ng Pilipinas.

vuukle comment

ALBAY

ANG DARAGANG MAGAYON FESTIVAL

BENGZON

DARAGANG MAGAYON FESTIVAL

DEPARTMENT OF TOURISM

JOEY SALCEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with