PNoy nainis sa mga nagpapapogi para sa 2016
MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga opisyal na gobyero na gawin muna ang trabaho bago ang kanilang mga sariling plano para sa darating na halalan.
"Magiging imposible ang pagbabago kung ang isang pinuno ay iniisip lang ang pansariling interes at ang pagpapapogi para sa susunod na eleksyon," banggit ni Aquino sa kanyang talumpati sa General Assembly ng League of Municipalities ngayong Martes sa Manila Hotel.
"'Yung bang imbes na magpatupad ng mga programang pangmatagalan at pangmaramihan ang benepisyo ay gumagawa ng mga proyektong pagkatapos ng photo-ops ay walang natutulungan," dagdag niya.
Nanawagan si Aquino para sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng partido at tiniyak na makatatanggap ng Performance Challenge Fund ang sinumang gagawa ng kanilang mga trabaho.
"Di po kailangan ng palakasan at pa-pogian. Hindi niyo kailangang sumisip para mabigyan ng Performance Challenge Fund," wika ng Pangulo.
"At kahit saang partido pa kayong nanggaling, basta nagpapakitang gilas kayo sa serbisyo at tapat na sumunusunod sa patakaran, mabibigyan kayo ng kaukulang pondo at insintibo upang maiangat pa ang pamumuhay ng inyong mga nasasakupan."
Nitong nakaraang linggo ay sinabi ni Aquino na kailangan ay unahin ng susunod na pangulo ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.
"Substance is very important to me, being true. If you cannot trust the one who will lead us, how will you follow him?" sabi ni Aquino.
- Latest