^

Probinsiya

81 patay sa evacuation center

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 81-katao na nawalan ng bahay dulot ng krisis sa Zamboanga City noong Setyembre 2013 iniulat na namatay sa evacuation center dahil sa matinding pagkakasakit, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng lokal na pa­mahalaan, ang nasabing bilang ay naitala mula Set­yembre 2013 hanggang Peb­rero 8, 2014.

Nabatid pa na karamihan sa mga namatay ay ang mga evacuees sa Cawa Cawa Boulevard at Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex na kinakanlong simula ng sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng MNLF fighters at ng tropa ng militar.

Bunga nito, ipinag-utos ni Zamboanga City Mayor Isabelle “Beng” Climaco-Salazar sa city health office na i-monitor ang kalagayan  ng mga bata na nagkakaedad 5 pababa na napapaulat na kulang sa nutrisyon.

Noong Enero lamang 2014 ay naitala na sa 65 ang namatay sa mga evacuees  na walang mga bahay na babalikan matapos na sunugin ng MNLF fighters at mawasak ng mortar sa matinding bakbakan.

Bukod dito, ayon pa sa report ay mino-monitor na rin ng mga medical health worker ang kalusugan ng mga senior citizen.

Samantala, naglunsad na rin ng anti-dengue clean-up at tent-to-tent visitation.

 

BUKOD

BUNGA

CAWA CAWA BOULEVARD

CLIMACO-SALAZAR

JOAQUIN ENRIQUEZ MEMORIAL SPORTS COMPLEX

NOONG ENERO

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MAYOR ISABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with