LTFRB chief pinagbibitiw
MANILA, Philippines - Dahilan sa sunod-sunod na malalagim na aksidente na kinasasangkutan ng mga bus kung kaya’t hiniling ng mga independent minority block sa Kamara na magbitiw sa puwesto si Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairman Winston Ginez.
Sinabi ng grupo, kailangan na magbitiw sa puwesto si Gines, dahil sa kawalan ng franchise system ng LTFRB at hindi rin nito alam kung ilan ang nabigyan ng prangkisa sa buong Pilipinas.
Ipinaliwanag pa ng mga mambabatas na ayaw na nilang hintayin pa na kada linggo ay magkaroon ng malagim na aksidente ng mga bus at tanging ang responsiblidad lang ni Ginez ay isuspinde ang prankisa ng mga sangkot sa aksidente.
Nakakalungkot anya na isipin na malalaman lang ng mga opisyal ang kanilang pagkukulang sa tuwing may nangyayaring malagim na aksidente.
- Latest