Cagayan volleybelles nagparamdam sa PSL
MANILA, Philippines - Ipinaramdam ng Cagayan Valley ang kanilang presensiya sa women’s division ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix 2013 matapos ang 25-20, 25-14, 25-22 paggupo sa Petron kahapon sa The Arena sa San Juan.
Maliban sa ilang pagbabanta ng kalaban sa huling baÂhagi ng laro, kontrolado ng Lady Rising Suns ang laro dahil sa kanilang impresibong net defense at nakakatakot na atake tungo sa kanilang unang panalo sa inter-club tournament na ito na kinilala ng International Volleyball Federation (FIVB).
Mahusay ang ipinakitang laro ng malakas-pumalong Thai reinforcement na si Wanida Kotruang na nagrehistro ng 10 sa kanyang game-high na 12 points sa hits at nagbigay din ng hustle at energy sa defense na ikinatuwa ni Cagayan coach Nes Pamilar.
“I really wanted her to be our guest player since our original choice wouldn’t be available. I saw some of her skills that her former coach didn’t see,†sabi ni Pamilar, patungkol kay Kotruang.
Tumapos sina Sandra Delos Santos at ang mga baÂgong-kuhang players na sina Aiza Maizo-Fontillas at Pau Soriano ng tig-11 points bagama’t “adjustment game†pa lang ito para kay Pamilar na nagdesisyong gawing setters ang mga spikers na sina Maizo-Fontillas at Joy Benito para magkaroon ng puwesto ang kanilang mga guest plaÂyers.
- Latest