^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGING headlines muli ng mga balita ang sunud-sunod na pagpapatiwakal ng mga taong sangkot sa bilyun-bilyong ninakaw sa bayan.            

MGA NAGPATIWAKAL NA NANGURAKOT—MINULTO

NANGUMPISAL BAGO NAGPASUWAG SA KALABAW

NETIZENS IPINAGBUNYI ANG MULTO

IS THE MASTERMIND NEXT?

PEOPLE JUBILANT OVER ‘SUICIDES’

“Hindi nakikinig ang anak ko, Baste! Tuloy siya sa pagpatay!’ humahagulhol si Aling Inday.

“Bida sa mga api ang anak natin, Inday. Ang hindi pa magawa ng hustisya ng tao, ginawa na ng multo ni Arlene. Hindi tayo dapat magalit, mauunawaan siya ng Diyos.”

“Mamumuhi sa kanya ang Diyos, Baste!. Hindi kailanman katanggap-tanggap sa Panginoon ang sinumang pumapatay!”

LALONG natataranta ang mga nangurakot. Hindi na biru-biro ang nagaganap. Dama ng mga sangkot na posibleng sila na ang isusunod.

Nasa ibang kapihan sila, naliligalig na nagbabalitaan.

“Kinausap ko na ang mga kaibigan kong pari, mga panyero. Ang sabi’y magpakabait na ako kung nagkasala; unahan ko raw ang multo.”

“Unahang paano, amigo?”

Ibinulong ng amigo sa mga kapwa mandarambong.

Napalunok ang mga panyero. Kayhirap naman ng suhestiyon ng mga kaibigang pari ng amigo.

NAMUMRUBLEMA rin ang babaing nakakulong, na umano’y utak ng pinakamalaking pandarambong sa pera ng bayan.

Galit sa kanya ang taumbayan, dahil nanatiling tikom ang kanyang bibig sa katotohanan; ewan kumbakit ayaw niyang isangkot ang mga taong nakinabang sa kanyang scam.

“Upeng, akina ang magic mike—kakanta ako…”

Napalunok ang bisitang kamag-anak. “A-aamin ka, Susay? Ikakanta mo na…?”

“Tanga. Kakanta ako ng paborito ko.” Kinuha ni Susana Tamporanas ang magic mike. Pinili ang kakantahin.

Saglit pa’y bumabanat na ng awit, sa loob ng pribadong kulungan. “Napakasakit, Kuya Eddie…ang sinapit ng aking buhaaay…”

ITUTULOY          

vuukle comment

ALING INDAY

ARLENE

BIDA

DIYOS

KUYA EDDIE

NAPALUNOK

SUSANA TAMPORANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with