^

PM Sports

Nagpaparamdam ang Gin Kings kay Slaughter

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos si 2012 PBA Most Valuable Player Mark Caguioa, si Barangay Ginebra team consultant Alfrancis Chua naman ang nagposte ng kanilang litrato ni seven-footer rookie aspirant Greg Slaughter sa kanyang Twitter account.

“Welcome to our fa-mily WE ARE ONE! NSD [Never say die],” sabi ni Chua sa litratong  ipinoste niya sa kanyang Twitter account na @alfrancischua kasama si Slaughter na dumalaw sa kanilang team practice kamakalawa.

Tila tiyak nang kukunin ng Gin Kings si Slaughter bilang No. 1 overall pick ng darating na 2013 PBA Rookie Draft sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place sa Ermita.

Kasama si Slaughter sa huling dalawang kampeonato ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP at kabilang sa NLEX Road Warriors sa PBA D-League.

Nasambot ng Ginebra ang No. 1 overall pick mula sa Air21 na nanalo sa lottery draw noong Oktubre 11 at kasunod nilang pipili ang 2013 PBA Go-vernors’ Cup champions San Mig Coffee.

Samantala, posible namang umagaw ng pansin sina 6-foot-9 centers Isaac Holstein at Maika Usita at James Forrester, isang Fil-Am na lumaki sa Canada at may 41-inch vertical leap.

Si Holstein ang na-nguna sa PBA D-League sa shotblocks at nakita sa aksyon para sa Gilas Pilipinas sa Dubai Invitational noong 2012.

Ang Filipino-Hawaiian na si Usita, ang amang si John Usita ay mula sa Cagayan Valley, ay inalok ng full scholarship ng Seattle University na isang koponan sa US NCAA Division.

Si Forrester ay kumampanya para sa Arellano University sa NCAA at sa Cagayan sa PBA D-League at ang angkan ay tubong Pampanga.

Nagsanay si Forrester ng isang taon sa IMG Academy sa United States bago maglaro para sa Chiefs sa kasalukuyang 89th NCAA season.

Nagtala si Forester ng mga averages na 12.5 points at 5.1 rebounds para sa Cagayan sa PBA D-League.

Ang tatlo ang maaa-ring maging opsyon ng iba pang koponang pipili sa 2013 PBA Rookie Draft.

Kasama ni Slaughter  si Ian Sangalang na inaasa-hang mahugugot bilang first o second overall, at ang isa pang big man na si  Raymond Almazan ang posibleng maging third pick.

Inaasahan ding makukuha sa first round sina UAAP MVP Terrence Romeo, RR Garcia, Jeric Teng, Nico Salva, LA Revilla, Jeric Fortuna, Alex Nuyles at JR Cawaling.

 

ALEX NUYLES

ALFRANCIS CHUA

ANG FILIPINO-HAWAIIAN

ARELLANO UNIVERSITY

ATENEO BLUE EAGLES

BARANGAY GINEBRA

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE

DUBAI INVITATIONAL

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with