Anong mission accomplished?
MISSION accomplished daw o!
Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na “mission accomplished†na raw ang ating government forces dahil nga naging matagumpay nilang na-irescue ang mga hostages sa nangyayaring standoff sa Zamboanga City.
Alam ng lahat na taliwas sa sinabing “mission accomplished†ang nangyayari sa Zamboanga City dahil hindi pa tapos ang lahat. Paano na lang ang mga buhay na nawala at ang libu-libong naapektuhan na siguradong mahirapang bumangon.
May tinatayang 19 na sundalo, limang pulis, at siyam na sibilyan ang namatay sa 19 na araw na sagupaan sa pagitan ng MNLF rebels at mga government forces.
May 167 na sundalo, 14 na policemen at 57 naman na sibilyan ang nasugatan sa nasabing standoff sa Zamboanga City,
Ayon naman sa Armed Forces of the Philippines, 188 na MNLF fighters ang nasawi, 223 ang naaresto at 52 naman ang sumurender.
Hindi dapat hanggang pagkuha ng huling hostage ay sabihin agad na “mission accomplishedâ€.
Dapat mas laliman pa ng ating mga officials na gaya ni Gazmin ang kanilang pagtingin sa buong pangyayari sa Zamboanga.
Hindi ba nila naitanong bakit inatake ng mga MNLF fighters ang Zamboanga na kung tutuusin ay ito ang kanilang takbuhan at maging commercial, educational at maging medical hub?
Sa Zamboanga City nag-aaral ang ilan sa mga anak at kamag-anak ng MNLF fighters. At sa Zamboanga City din sila nagpapagamot at doon din sila namimili ng kanilang kailangan.
At sa mga barangay mismo na sinalakay diumano sa standoff ay kung saan naninirahan ang karamihan sa mga kamag-anak ng mga rebelde, Sa tuwing nasa Zamboanga City ang MNLF fighters ay nakikitira naman sila sa kanilang mga kamag-anak sa mga nasabing barangay.
Bakit nga ba inatake ng MNLF rebels ang Zamboanga City? Bakit nga ba Sec. Gazmin?
Sa tingin ninyo “mission accomplished†na talaga?
- Latest