Trader natangayan ng P. 7 milyon

MANILA, Philippines — Aabot sa P700,000 na halaga ng mga alahas at pera ang natangay ng mga kawatan mula sa bahay ng isang negosyante sa Malabon City.
Ayon kay si alyas “Tom,” 18, nadiskubre niya ang pagnanakaw nang magising siya ng alas-8:05 noong Huwebes ng umaga at mapansing bukas ang pintuan sa terrace ng kanyang bahay sa Azucena St. Brgy. Longos at wala na ang US$10,000 cash na katumbas ng P630,000, at tatlong mamahaling relos na nagkakahalaga ng kabuuang P79,000.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon Police Chief PCol. Kenneth Mission, dakong alas-7:50 na noong Huwebes ng gabi inireport ng biktima sa pulisya ang nangyaring panloloob kaya’t nang mag-responde ang mga tauhan ng Northern Police District-Forensic Unit (NPDFU) sa pangunguna ni PMaj. Sonny Boy Tepace, kontaminado at nasira na ang mga ebidensiyang posibleng makalap sa lugar ng krimen. Ikinatuwiran ng biktima na hindi kaagad niya nai-report ang pangyayari sa pulisya dahil inuna muna niya ang iskedyul ng nakatakda niyang pagpunta sa tanggapan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa Malabon City Hall.
Gayunman, wala forcible entry na nakita ang mga imbestigador ng palatandaan na puwersahang binuksan ang pintuan sa terrace ng bahay kung saan umano pumasok ang mga suspek habang sinusuri na ang kuha ng mga CCTV sa lugar na posibleng makatulong sa pagkakakilanlan sa mga suspek.
- Latest















