^

Metro

Abogado sugatan sa ambush

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang abogado na kagawad ng Brgy. Sta. Cruz ang sugatan matapos tambangan ng hindi pa kilalang gunman, sa Makati City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), nilalapatan pa ng lunas sa ospital ang biktimang si Atty. John Yland De Ocampo, matapos na pagbabarilin dakong alas-8:05 ng umaga sa panulukan ng Novaliches at Zapote Sts., sa Brgy. Olympia. 

Iniutos naman ni SPD Director PBGen. Glenn Oliver Cinco ang agarang pagtugis at malalimang imbestigasyon upang matukoy ang salarin at motibo sa krimen. Nagsasagawa na ng forward tracking at backtracking sa mga CCTV footages sa lugar ang pulisya.

Samantala, mariing kinondena ni Makati City Mayor Nancy Binay ang pamamaril at sinabing nakikiisa siya sa pana­langin ng pamilya para sa kaligtasan ng biktima.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with