^

PSN Opinyon

Na-wow mali kaya ang operatiba ng pnp-imeg?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG nalagay man sa nakakahindik na sitwasyon ang mga kapulisan ng Iloilo City Police Station-4 at maging ang barangay official at media na nasa loob mismo ng naturang gusali sa sorpresang pagsalakay ng mga operatiba ng Philippine National Police-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) noong hapon ng Hulyo 1, aba’y hindi naman ito hadlang upang ipatupad ni Police Regionnal Office-6 (PRO6) Director P/BGen. Randulf Tuaño ang mga operas­yon laban sa mga drug personalities at mga criminal sa kan­yang nasasakupan. Kasi nga, ayon sa impormasyong ibinahagi sa’tin mga suki, nitong araw ng Linggo, Hulyo 5 sumuko itong dismissed na pulis kay Tuaño upang harapin ang kanyang kinasasangkutang kaso.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik itong si PRO6 Dir. Tuaño matapos ang insidente dahil nais niyang maabot ang tunay na motibo sa pananalakay na walang koordinasyon sa kanyang tanggapan. Natural naman kasi na kapag luma­kad itong mga operatiba ng ating mga kapulisan ay hindi basta-basta ito nakikipag-coordinate sa mga local police upang maiwasan ang pagtakas o pagtago nang kanilang hinahabol na criminal lalo’t ang bali-balitang kumakalat ay ginagamit ng naturang demised na police itong tanggapan ng kapulisan sa kanyang illegal na aktibidades. Ang masakit, nalagay sa kahiya-hiyang sitwasyon ang buong tropa ng kapulisan ng ICPS dahil sa pagpasok ng mga fully armed operatives ay pinadapa ang mga ito sa sahig na nakatutok ang mga baril at ang mas masakit pa maging ang Barangay Kagawad ay kasama sa tinutukan at maging ang ilang Media Personalities ay hindi nakaligtas sa naturang sitwasyon. Hehehe!

Ayon kasi sa impormasyon ibinahagi satin, naruroon umano itong Barangay Kagawad at Media dahil sla ang magsisilbeng mga withness sa isasagawang Drug Buy-Bust Operation nang naturang Police Station. Maging pala itong hepe ng ICPS-4 na si P/Capt. Ryan Christ Inot ay sinigawang itaas ang mga kamay habang nakasubsod ang kanyang mga tauhan sa sahig. Huhuhu! Ang masakit walang pasintabi na hinalughog ang kaloob-looban ng Police Station ay ninahanap ang isang dismissed na police na may kasong Muder. Hehehe! Subalit tela na Wow Mali ang operatiba ng PNP-IMEG dahil bukya ang kanilang operasyon at ang nilikha nilang nakakasindak na pagsakay ay ang kapwa nila ka-baro sa PNP ang naapektuahan at natapakan. Hehehe!

Sa ngayon masusing pinaiimbestigahan ni PRO6 Dir. Tuaño ang insidente upang maarok ang tunay na motibo sa walang koordinasyong pagsalakay sa himpilan ng Iloilo City Police Station-4, subalit hindi pa ito basta-bastang ipinupukol ni Tuaño kung sino ang may pagkukulang sa nakakahiyang operasyon. Kasi nga, gumugulong pa lang ang masusing imbestigasyong isinasagawa ng National Police Commission-6 (NAPOLCOM 6) at oras na matumbok nga itong nakakahiyang operasyon tiyak na papanagutin ni PRO6 Dir. Tuaño ang mga kapulisan mismo niya sa ICPS-4 at mga operatiba ng PNP-IMEG. Kasi nga kung kung nagkataon na nagkaroon ng resistance ang mga kapulisan ni P/Cat. Inot, goodbye na lang sa madadamay o matatamaan ng bumabagang tingga mula sa mga matataas na kalibre ng baril ng magkabilang grupo. Di ba mga suki! Subalit hanggang kailan kaya mag-aantay ng kasagutan ng mga residente ng Molo, Iloilo City sa naturang pangyayari. Iyan ang ating pakaaabangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with