^

PSN Palaro

No deal

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Umarangkada na ang PBA Governors’ Cup at dehins napapirma ng NorthPort ang No. 5 draft pick na si Dave Ildefonso.

No deal.

Ang ugong, tinanggihan ng 24-year-old na anak ng dating MVP na si Danny “Lakay” Ildefonso ang offer ng NorthPort.

Malaking pera. Maximum two-year contract para sa rookies na P200,000 a month sa first year at pwedeng P300,000 a month sa second year.

Pero ayaw ni Dave.

Sabi ng mga insiders, P280,000 a month ang gusto ni Dave sa first year or mahigit P3.3 million. Then magiging P350,000 a month sa second year or P4.2 million.

Hindi ito mabigay ng NorthPort kaya binitawan ni Dave ang ballpen. No signature.

Malamang, may ibang option ang bata na naglaro ng one full season sa Korean Basketball League. Nag-expire na ang contract niya dun.

Nothing definite kung may contract extension siya sa KBL.

Baka meron kaya gusto niya muna timbangin kung gaano kalaki ang difference ng NorthPort offer.

Kung konti lang, eh dito na lang siya sa Pinas kasama ang pamilya at kapatid na si Shaun Ildefonso na naglalaro sa Rain or Shine.

Waiting siguro si Dave kung may future pa siya sa KBL o kahit sa Japan o sa Taiwan at kung nomagka ang kaya niya kitain.

Kung no choice, sa PBA ang bagsak niya.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with