Lovi, winner ang barong tagalog!

Winner ang modern Filipiniana outfit ni Lovi Poe sa ginanap Star Magical Christmas 2026: Liwanag ng Pasko. Inspired sa bonggang Paskong Pinoy ang nasabing party kaya naman lumabas ang creativeness ng mga local designer.
Post ni Lovi: “Hango sa Barong Tagalog, mula sa kuwelyo hanggang sa burda.
“Wearing custom @francislibiran8,” aniya sa hindi ordinaryong hitsura ng barong na nakikita natin kalakip ang kanyang photos na ipinapakita ang details ng modern Filipiniana.
Maganda rin ang lambat-inspired outfit ni Belle Mariano, ganundin ang kay Jessy Mendiola na inspired sa perlas. “Hinubog ng alon ng dagat, hinaplos ng hangin ng dalampasigan, busilak na perlas ng Silanganan. Mayumi, matatag, Filipina,” paliwanag naman ni Jessy sa kanyang suot na powder blue gown na tadtad ng perlas.
- Latest






















