^

Probinsiya

Working student itinumba ng tandem!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Working student itinumba ng tandem!
Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ang biktima na si Charles Usi, kumukuha ng ­Bachelor of Arts in Communication sa Westmead International School at isang part-time performer o singer sa isang bar.
File

Suma-sideline na musikero sa bar

MANILA, Philippines — Patay ang isang 22-anyos na working student matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa San Jose, Batangas kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ang biktima na si Charles Usi, kumukuha ng ­Bachelor of Arts in Communication sa Westmead International School at isang part-time performer o singer sa isang bar.

Sa report ni P/Major Florencio Caisip Jr., hepe ng San Jose Municipal Police Station (MPS) nangyari ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa Brgy. Banay-Banay II, San Jose ng nasabing lalawigan. Pauwi na sa kanilang tahanan ang biktima lulan ng motorsiklo matapos na kumanta sa bar na part-time job nito nang sundan ng dalawang lalaki na magkaangkas din sa motorsiklo at pinagbabaril ng backrider.

Duguang sumemplang ang biktima sa sinasakyan nitong motorsiklo.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos na masigurong napuruhan ang target na biktima.

Nauna namang naireport sa pulisya na aksidente ang nangyari sa nasabing lugar pero nang dumating ang mga pulis at imbestigador ay dito nadiskubre na may  mga tama ng bala ang biktima.

“Nung madala namin siya (victim) sa Metro San Jose Hospital, accordingly is lima ‘yung tama. Bale ‘yung putok sa likod, lumusot doon sa kanyang gitara tapos lumusot sa katawan,” anang opisyal.

Nabatid na mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan ang tumama sa biktima.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with