^

Probinsiya

1 ex-army, 3 kasabwat timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Camp Nakar, Lucena City, Philippines — Apat na lalaki kabilang ang isang dating sundalo at mga hinihinalang responsable sa holdapan sa Trece Martires, Cavite ang naaresto ng Catanauan Municipal Police Station (MPS), katuwang ang 3rd at 4th Platoon ng 2nd QPMFC, Mulanay MPS, General Luna MPS, at Provincial Intelligence Unit (PIU), sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling araw sa Catanauan, ­Quezon.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Romulo Albacea, nakilala ang mga dinakip na sina alyas “Aries,” 47; alyas “Meliton,” 40; alyas “EJ,” 40 at alyas “July,” 35, umano’y AWOL na Corporal sa Philippine Army

Nagsimula ang operasyon dakong alas- 3:40 ng madaling araw matapos makatanggap ng impormasyon ang ­Catanauan MPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang grupo ng mga kalalakihan sa isang hotel na nakitaan ang isa sa mga ito na may bitbit na long firearm.  Sa operasyon ay nakumpiska sa mga suspek ang isang M16 rifle, dalawang Cal. .45 pistols at isang Colt Super .38 revolver, mga magazine na may kabuuang 35 live ammunition, at dalawang hand grenade.

Narekober din sa isang itim na Nissan Terrano na sinasabing may kaugnayan sa isang robbery/hold-up incident sa Trece Martires City, Cavite, dalawang rifle grenade at dalawang live ammunition ng M203 grenade launcher.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing sasakyan ay ginamit sa isang robbery/hold-up sa isang DALI Store sa Brgy. Cabezas, Trece Martires City, Cavite noong Setyembre 23, 2026 na natangayan ng P131,000.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with