TV5, may itinalagang OIC!

Totoo pala ang nabalitaan namin na si Ms. Chaye Cabal-Revilla na Executive Director and the Chief Finance, Risk and Sustainability Officer of Metro Pacific Investments Corporation ang kasalukuyang OIC (officer-in-charge) ng TV5.
Kasalukuyan diumanong nasa leave si Mr. Ricky Vargas, President and CEO of MediaQuest group of companies dahil sa health reason.
Habang si Mr. Chris Lizo ang OIC ng ibang kumpanya ng MediaQuest ayon sa source na tinanungan namin.
Si Ms. Chaye ang kasama nina Mr. Manny Pangilinan at Ms. Vargas nang pumirma ng kontrata si Vice Ganda para sa MediaQuest.
Samantala, sa kasalukuyan ay tuluy-tuloy ang paglawak ng mga programa ng TV5.
At ang isa talaga sa pinalalakas nila ay ang A Secret in Prague kung saan mapapanood na ang Grand Slam actress na si Lorna Tolentino bilang si Mama Yaya, ang nag-alaga kay Chiara (Andrea Brillantes) noong bata pa siya at isa sa mga taong pinakakilala kung sino talaga si Chiara bago pa man dumating si Mikoy (Enrique Gil) sa kanyang buhay.
Pero hindi simpleng reunion ang pagbabalik ni Mama Yaya. Sa panahong patuloy na ipinaglalaban ni Chiara ang pagmamahalan nila ni Mikoy, babalik si Mama Yaya upang ipaalala sa kanya hindi lamang ang kanyang nakaraan kundi pati ang mga tungkulin at responsibilidad na hindi niya maaaring basta talikuran.
Kilala ni Mama Yaya ang batang Chiara. Nakita niya kung paano ito lumaki, alam niya kung saan ito nanggaling, at naiintindihan niya ang expectations at obligasyong kaakibat ng buhay na hinihintay sa kanya.
At ngayong kailangang mamili ni Chiara sa pagitan ng gusto ng kanyang puso at ng mga responsibilidad na kailangan niyang harapin, maaaring si Mama Yaya ang magiging gabay niya sa pinakamahirap niyang desisyon.
Pero kanino siya magiging kakampi?
Tutulungan ba niya si Chiara na ipaglaban si Mikoy—or will she remind her that sometimes, duty has to come before love?
Kilalang nagbibigay ng lalim at bigat sa bawat karakter na kanyang ginagampanan, dadalhin ni Lorna ang panibagong emotional layer sa A Secret in Prague as the series enters a chapter where love, loyalty and responsibility collide.
Abangan si Lorna Tolentino, kasama sina Enrique at Andrea, sa mas tumitinding kuwento ng pag-ibig, at mga sikreto na napapanood sa TV5 at ABS-CBN platforms, gabi-gabi, 9:30 p.m.
ABS-CBN, mamimigay muna ng Christmas bonus bago mag-lay off ng empleyado
Mamimigay muna diumano ng bonus ang ABS-CBN sa December bago ang magaganap na downsizing ng kumpanya.
Ayon sa source, planado na ito at hindi na mapipigilan dahil computed na raw ang package sa bawat empleyadong kasama sa 1,000 or more pa na kasama sa tanggalan.
Nung nawalan ng franchise ang Kapamilya Network, maaalalang 7,000 daw ang nawalan ng trabaho. Kaya ang estimate ng isang source na insider ng network, mga 3,000 employees na lang ang matitira sa magaganap na downsizing na ito.
Wala pang official statement ang ABS tungkol dito.
Mommy ni Kathryn, bumiyahe sa NZ
Spotted sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mommy ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo.
Wala raw itong kasama na dumating sa airport at nag-check in, ayon sa source.
At nang may magtanong daw kung saan siya pupunta, sumagot si Mommy Min ni Kathryn na “sa New Zealand.”
‘Yun lang daw ang naitanong ng source.
Lately ay kalmado lang ang career ni Kathryn habang patuloy na umeere ang Someone, Someday na pinagbibidahan nila ni James Reid.
Naglalaro ito sa top 1 and 2 sa Netflix PH.
May isyung split na si Kathryn sa karelasyong pulitikong si Mark Alcala pero walang resibo ang mga nang-iintriga.
Haka-haka lang naman ‘yun at ‘wag daw asahang magsasalita si Kathryn tungkol dito.
Anyway, ang naisip ng source sa pagbiyahe ni Mommy Min ni Kathryn sa New Zealand ay baka raw nagbabalak silang bumili ng property sa nasabing bansa.
- Latest























