^

Police Metro

8 evacuation centers binuksan sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pang-masa
8 evacuation centers binuksan sa Parañaque
Sa ulat, nakapagtala ng 95 pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa apat na evacuation sites sa Barangay San Antonio at Brgy. San Isidro.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Pinabuksan ni Paraña­que City Mayor Edwin Oli­varez nitong Sabado ang walong evacuation center sa limang barangay para sa mga inilikas na residenteng apektado ng malakas na bugso ng ulan at pagbaha na dala ng habagat.

Sa ulat, nakapagtala ng 95 pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa apat na evacuation sites sa Barangay San Antonio at Brgy. San Isidro.

Kabilang sa ginawang shelter ng mga evacuees ang Silverio Elementary School na may 5 pamilya­, 70 pamilya sa Santos Multipurpose Hall, at  9 na pa­milya sa Lopez Village Multipurpose Hall, pawang sa Brgy. San Isidro; habang sa mismong  brgy. hall ng San Antonio ay may 11 pamilya.

Nanawagan din ang alkalde­ sa mga residente na unahin ang kanilang kaligtasan at makipag-ugnayan sa mga opisyal ng kanilang barangay kung kakaila­nganing lumikas mula sa kanilang tahanan. Mayroon pa aniyang, nakatambay na evacuation centers sakaling mas tumindi pa ang pag-ulan na magdudulot ng pag­baha.

Kung may agarang emer­­gencies, maaring tu­mawag sa Parañaque hot­lines sa landline 8820 PQUE (7783), emergency number 911, o sa 0920 983 3252.

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with