Herbosa out, Pujalte in sa DOH

MANILA, Philippines — Pormal nang nagbitiw si Teodoro Herbosa, bilang kalihim ng Department of Health (DOH) bunsod ng isyung pangkalusugan.
Kinumpirma naman ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ang pagkakatalaga kay Brittanio Pujalte Jr. na dating chief ng Medical Center ng Philippine Orthopedic Center (POC) simula noong Hulyo 2014.
Nabatid na nagsumite si Herbosa ng courtesy resignation kay Pang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon matapos na sumailalim sa knee replacement surgery.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Herbosa na nagpasya siyang bumaba na sa posisyon matapos na mapagtantong kailangan rin niyang alagaan ang kanyang sarili matapos na sumailalim sa operasyon.
“Today, I tendered my courtesy resignation as SOH (Secretary of Health) to PBBM. My operation has made me realize that I also need to take care of myself,” aniya pa.
Sasailalim pa sa tatlo hanggang apat na buwang ekstensibong rehabilitasyon matapos ang kanyang surgery.
- Latest




















