74 percent Pinoy pinahaharap si VP Sara sa Senate trial

MANILA, Philippines — Tumaas pa ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang dapat harapin ni Vice President Sara Duterte ang Senate impeachment trial.
Ayon sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, mula sa dating 69% noong Marso, tumaas ito ng limang puntos sa 74% nitong Abril 2026. Nasa 21% naman ang hindi pabor habang 4% ang undecided.
Ang Visayas ang nakapagtala ng pinakamataas na suporta na may 82%, sinundan ng National Capital Region na may 81% at Balance Luzon na may 77%.
Nakapagtala naman ang Mindanao ng 58% na sumusuporta at 41% na tutol.
Pagdating sa socioeconomic classes, nabatid na ang suporta sa impeachment trial ay consistent na nasa 74% sa mga Class ABC respondents, 75% sa mga Class D respondents, at 73% sa Class E respondents.
Kaugnay nito, nilinaw ng OCTA na ang sinusukat ng survey ay ang suporta sa impeachment at hindi ito dapat na i-interpret bilang judgment o hatol sa guilt, posibleng conviction, o pagkakatanggal sa puwesto ni VP Sara.
Isinagawa ang non-commissioned survey noong Abril 20 hanggang 24 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adult Filipinos na may edad 18-anyos pataas.
- Latest






















