^

Probinsiya

2 sabungero todas sa pamamaril sa cockpit arena

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 sabungero todas sa pamamaril sa cockpit arena
Ang mga biktima na kinilalang sina Jordan Aquino at Jelo Daño, ay parehong idineklara na dead-on-the-spot sa crime site, ayon sa mga awtoridad kahapon.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang dalawang panatiko sa sabong matapos barilin ng di nakilalang salarin sa isang cockpit arena Barangay Bagong Sikat, Agoncillo, Batangas noong Sabado ng gabi.

Ang mga biktima na kinilalang sina Jordan Aquino at Jelo Daño, ay parehong idineklara na dead-on-the-spot sa crime site, ayon sa mga awtoridad kahapon.

Bago ang pamamaril, nakipagtalo si Aquino sa hindi pa nakikilalang suspek na isa ring “sabungero” na nauwi sa suntukan.

Pagkatapos nito, nagtungo umano si Aquino sa Agoncillo Cockpit Arena at nang hindi niya nalalaman, nabuntutan siya ng kanyang kalaban na armado ng hindi kilalang baril at pinaputukan siya ng ilang beses nang malapitan, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa pulisya, ang pangalawang biktima na si Daño ay nakatayo sa arena nang tamaan ng ligaw na bala sa katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

May “person of interest” na ang mga pulis sa krimen na ngayo’y tinutugis ng tracker operatives sa bulubundukin ng katabing barangay.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang “double crossed” tungkol sa taya ng sabong bilang paunang motibo sa krimen.

BATANGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->