^

Probinsiya

2 sundalo tepok sa kidlat, 4 pa sugatan

Joy Cantos, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo ang patay habang apat pang kasamahan ang sugatan makaraang masapol ng kidlat habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa hangganan ng Western Uma, Brgys. Lubuagan at Balatoc sa bayan ng Pasil, Kalinga kamaka­lawa.

Sa report ni Army’s 5th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Audrey Pasia, kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Andrew Five Monterubio ng Gamu, Isabela at PFc Inmongog Aronchay ng Sadanga, Mt. Province.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Sgt. Dennis Bananao ng Tanudan, Kalinga; Pfc Melvin Danggalan ng Paracelis, Mountain Province; Pfc Abegil Awingan ng Pinukpuk, Kalinga t Pfc Riel Angya ng Pasil, Kalinga.

Bandang alas-4:30 ng hapon, ayon kay Pasia habang makulimlim ang kalangitan, dumadagundong ang nakakabinging kulog  at biglang kumidlat sa nasabing lugar at nagkataon namang nagsasagawa ng opensiba ang tropa ng 54th Infantry Battalion ng Philippine laban sa nalalabi pang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na namumugad sa lalawigan.

Posible umanong gumamit ng cellphone o radio ang naturang mga sundalo kaya hinagupit ang tropa ng matalim na kidlat.

Nagpaabot na si Pasia ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing sundalo at tiniyak ang benepisyo para sa kanilang naulilang mga mahal sa buhay.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with