VP Sara tinawag na traydor sina Marcos, Trillanes

MANILA, Philippines — Tinawag ni Vice Pres. Sara Duterte na mga “traydor” sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating senador Antonio Trillanes IV dahil sa pagkakakulong ng amang si dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa pagsasalita sa harap ng mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands, sinabi ni VP Sara na hindi makatarungan ang patuloy na pagkakadetine sa kanyang ama. Iginiit din ng Bise Presidente na pulitika ang dahilan sa kanyang pagkakakulong.
Muli ring nanawagan si VP Sara para sa agarang pagpapalaya sa kanyang ama. “He should be released and he should be released immediately…. This is not about justice. This is about politics in the Philippines,” wika ni Sara.
Iginiit ni Duterte na hindi natutugunan ng dating pangulo ang mga kundisyon sa ilalim ng Rome Statute para sa patuloy na pagkakadetine.
“They are holding an 81-year-old who cannot make his own bed, who cannot even clean his own room, who has bedsores and who has so many aches and pains because of old age,” aniya.
Kinuwestiyon din niya ang sinasabi ng ICC na may posibilidad na tumakas ang dating pangulo.
- Latest






















