Jodi, ramdam ang himala sa ina!

Itinuturing ni Jodi Sta. Maria na “greatest miracle” ang paggaling ng kanyang ina mula sa sunud-sunod na karamdaman.
Ibinahagi ng aktres na sumailalim ang kanyang ina sa triple coronary artery bypass operation noong 2025, ilang taon matapos labanan ang cancer. “Hindi personally sa akin, sa family ko because we had a recent health scare… Actually, not really a health scare but merong health issue na nangyari sa family namin last year, which involved my mom. She had to go through a major surgery. She underwent a triple heart bypass operation,” sabi ni Jodi.
“And years before that, she was able to survive two types of cancer, isang breast saka isang bone… So I believe, for me and my family, na ‘yun ang greatest miracle na nangyari sa mga buhay namin itong season na ito,” dagdag pa niya.
Para sa aktres, ang pag-survive, katatagan at patuloy na paggaling ng kanyang ina ay paalala ng pagmamahal at katapatan ng Diyos. “So parang when I looked at her and her life, it’s really a testament of God’s grace and mercy na kasi puwede naman hindi, ‘di ba? Puwede naman na hindi mabigyan ng extension ‘yung life niya but she is with us today,” paliwanag niya.
“She is recovering well and ang kasiyahan niya, e, mag-grocery, so ngayon nakakapag-grocery na ulit siya as if walang nangyari.”
Ayon pa sa aktres, marami pang ibang milagro at answered prayers ang naranasan ng kanilang pamilya sa paglipas ng mga taon, na patuloy na nagpapatibay sa kanilang pananampalataya. “Hindi pa nakaka-count dun the so many seasons that has passed na iba’t iba rin ‘yung miracles and different answered prayers. But it’s really parang God telling you that He is real and His love and mercy is upon us,” aniya.
Gaganap si Jodi kasama si Aga Muhlach sa 2026 Metro Manila Film Festival entry na 2nd Miracle in Cell No. 7, kung saan gagampanan niya si Angela, ang asawa ni Lito na karakter ni Muhlach.
- Latest























