Eala kinilig kay Sharapova

MANILA, Philippines — Kinilig si Asian Games bronze medalist Alex Eala nang muli nitong makita si dating Grand Slam champion Maria Sharapova para sa isang podcast ng Russian tennis star.
Nasilayan ng lahat ang post ni Sharapova sa social media kung saan ibinahagi nito ang guesting ni Eala sa kaniyang Pretty Tough podcast.
Halatang-halata ang excitement ni Eala nang personal nitong makita si Sharapova na isa sa iniidolo nito sa mundo ng tennis — mula sa playing style hanggang sa fashion.
“Oh my God. Oh my goodness. Nice to meet you,” ani Eala sa video na pinost ni Sharapova.
Nagpasalamat naman si Sharapova sa panahong ibinigay ni Eala para maging bahagi ng kaniyang podcast.
“Look at you. Thank you for finding time for us,” ani Sharapova.
Sinabi ni Sharapova na isa si Eala sa popular demand ng mga followers nito sa social media para maging guest sa kaniyang podcast.
“By very popular demand — and rightfully so … she’s the girl of the moment,” ani Sharapova sa kaniyang post.
Hindi naman ito ang unang pagkikita nina Eala at Sharapova.
Matatandaang nakapag-picture na si Eala noong bata pa ito habang aktibo pang naglalaro sa WTA Tour si Sharapova.
Ibinahagi pa ni Eala kay Sharapova ang kanilang larawan base sa ilang clips na inilabas ng Pretty Tough podcast.
Kaya naman inaabangan na ng lahat ang paglabas ng podcast ni Sharapova.
- Latest
















