^

PSN Palaro

Tounkara humataw sa Tigers vs Tams

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Tounkara humataw sa Tigers vs Tams
Bumakas si Forthsky Padrigao ng14 markers at 11 assists para sa UST na tinapos ang first round assignments na may 4-3 record.

MANILA, Philippines — Kinapitan ng University of Santo Tomas ang 21 points at 17 rebounds na kinana ni Mo Tounkara para gilitan ang Far Eastern University, 83-72 kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumakas si Forthsky Padrigao ng14 markers at 11 assists para sa UST na tinapos ang first round assignments na may 4-3 record.

Pinakamagandang record ito ng UST sa first round sapul noong Season 82 kung saan ay nakapagtala lamang sila ng tatlong pa­nalo sa Season 84, isang panalo sa Season 85 at dalawa sa Season 86.

“It’s a big win for us co­ming from a two-game lo­sing streak. Yung response ng team to stop the streak as in sama-sama lang sila kanina and nagfocus kami sa defense,” ani Grow­ling Tigers assistant coach Japs Cuan.

Muntik malusaw ang 10-point lead ng UST sa fourth quarter matapos umiskor ng limang sunod na puntos ang Tamaraws mula sa dalawang free throws at isang three-poin­ter ni Veejay Pre, 75-70, may 1:57 na lang sa orasan.

Subalit hindi nasira ang diskarte ng España-based squad, tumipa si Nic Cabañero ng layup at sinundan ng back-to-back baskets ni Tounkara para ilayo muli ang iskor sa 81-70.

Pinangunahan ni Jorick Bautista ang opensa para sa FEU, tumikada ito ng 17 markers pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang Tamaraws.

Nalasap ng Tamaraws ang pang-anim na talo sa pitong laban.

Tumipa naman si VeeJay Pre ng 14 markers at pitong rebounds, 13 ang iniskor ni Janrey Pasaol para sa FEU.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with