UST at FEU may misyon
MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Santo Tomas at Far Eastern University na masikwat ang korona sa women’s at men’s divisions ng 2024 V-League Collegiate Challenge.
Hahataw ang Game 2 ng best-of-three finals ngayong araw sa PhilSports Arena sa Pasig City kung saan parehong hawak ng Golden Tigresses at Tamaraws ang 1-0 bentahe sa kani-kanilang serye.
Nakuha ng Golden Tigresses ang Game 1 nang patumbahin ang Lady Tamaraws, 25-22, 25-18, 25-14.
Magtutuos ang UST at FEU sa alas-5 ng hapon.
Pakay ng UST na walisin ang torneo at masungkit ang kanilang unang titulo sa liga sapul noong 2010.
Babanderahan ang UST nina Detdet Pepito, Jonna Perdido, Ange Poyos at Regine Jurado.
“Talagang ineensayo namin ‘yang ganyang situation, ‘yang skills na ‘yan. Doon kami malakas, sa gano’ng part ng defense pattern namin,” ani UST head coach Kungfu Reyes.
Sa kabilang banda, hangad ng FEU na makuha ang kanilang kauna-unahang V-League title sa men’s division.
- Latest