^

PSN Palaro

Lady Bulldogs reyna ng SSL

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lady Bulldogs reyna ng SSL
Napalaban ang Lady Bulldogs sa unang sets matapos makipagsabayan sa paluan ang Lady Tamaraws kaya naman isa lang ang lamang nila, 16-15 sa kalagitnaan ng laban, bandang dulo na lamang nakalayo ng bahagya ang NU.

MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal ng UAAP Queens National University Lady Bulldogs ang best-of-three finals matapos nilang sakmalin ang 25-21, 23-25, 20-25, 25-19, 15-10 panalo kontra Far Eastern University Lady Tamaraws sa Game 2 ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals na nilaro sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.

Napalaban ang Lady Bulldogs sa unang sets matapos makipagsabayan sa paluan ang Lady Tamaraws kaya naman isa lang ang lamang nila, 16-15 sa kalagitnaan ng laban, bandang dulo na lamang nakalayo ng bahagya ang NU.

Matapos matisod ay sinuwag ng Lady Tamaraws ang dalawang sunod na sets upang makalamang at mamuro sa pagsilo ng panalo.

Pero naging matatag ang dugong kampeon ng NU, nasikwat nito ang panalo sa set 4 upang makahirit ng deciding fifth set.

Ginanahan ang Lady Bulldogs sa set 5, hina­wakan agad nito ang five point lead, 7-2 ngunit hindi basta bumigay ang FEU muli nilang naidikit ang iskor, 10-8.

Subalit hanggang doon na lang ang kinaya ng FEU dahil tinapos na ng NU ang laro upang muli silang makoronahan.

Samantala, hinablot ng College of Saint Benilde Lady Blazers ang bronze medal matapos kalusin ang Letran Lady Knights, 23-25, 25-14, 19-25, 25-20, 17-15, sa game 2 ng kanilang best-of three battle for third place sa unang laro.

Kinapitan ng Taft-based squad, CSB si Rhea Mae Densing upang maitakas ang mahirap na five sets win at sungkitin ang third place podium.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with