Kampo ni Bato, nagpasalamat sa buong minorya
MANILA, Philippines — Pinasalamatan ng kampo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pamamagitan ng social media ang ipinakitang suporta ng buong minorya.
Partikular na binanggit sa statement ang pangalan ni Minority Leader Alan Peter Cayetano.
“Salamat po sa buong Senate Minority sa pangunguna ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano,” anang kampo ni Dela Rosa.
Nauna rito, iginiit ng minorya sa Senado na makipag-usap ang administrasyon sa kampo ni Dela Rosa.
Pinanindigan din ni minorya na nakikiisa sila kay Dela Rosa sa pagtatanggol sa kanyang karapatan na magkaroon ng due process at sagutin ang mga ibinibentang sa kanya sa harap ng isang korte sa loob ng Pilipinas.
Iniutos na Pangulong Marcos ang makatarungan at hindi marahas na pag-aresto kay Dela Rosa matapos maglaan ang pamahalaan ng P50 milyong pabuya at bigyan ng isang linggo ang tumatakas na mambabatas upang sumuko.
- Latest
















